Hindi lahat tayo, balak magmagulang. Hindi lahat tayo, handa maging magulang. Ang pagiging magulang, ay choice na hawak natin.
Pero, kung iisipin natin, hindi rin tayo naging handa maging anak. Iniluwal tayo sa mundo, anak na tayo nang walang consent.
So kung tutuusin, kapag tayo'y malaki na at kaya na magdesisyon para sa sarili, ang pagiging magulang, again, ay conscious adult decision.
Kaya hindi ko lubos maintindihan kung bakit bilang magulang, masisikmura niyong nakawin ang pinaghirapan ng anak niyo, o kung anumang kaya niyong gawin na potentially masasaktan sila — gaya halimbawa ng bugbugin, pahiyain, sabihan siya ng masasama at masasakit na salita, pabayaan, at higit sa lahat, hindi man lang sabihan na mahal niyo sila.
Bilang kayo ang mas nakakatanda (na paulit-ulit niyong ine-emphasize), conscious adult decision sana na alam niyong maling magnakaw (or whatever major thing na nagawa niyo na ma-to-trauma sila).
Conscious adult decision ang matuto magmanage ng pera for yourselves, o ayusin ang sarili at itama ang maling nagawa, para maituro niyo 'yun sa anak niyo.
Dahil, again, kayo ang nagdesisyon maging magulang. Ibig sabihin niyan, nag-pledge kayo maging responsable sa buhay ng taong iluluwal at iniluwal niyo.
Oo, puwede niyong sabihin paulit-ulit na hindi kayo perpektong magulang.
Pero wala naman kasing humihingi na maging perpekto kayo.
Ang hinihingi sa inyo, maging MABUTING magulang.
Kasi simula't simula pa lang, hindi kayo nanghingi ng consent sa iluluwal niyong anak.
You brought them here kasi gusto niyo. So yes, when they are born, responsibility niyo to learn what consent and boundaries mean so you can teach it to them. Sementado na yan hanggang maging consenting adult na sila.
And if na-fulfill niyo yan, kahit ano pang naging failure niyo, basta naibigay niyo yan sa mga anak niyo at pinapakita niyong inaayos niyo rin ang sarili niyo pagkatapos ng pagkakamali, kakayanin ka nilang intindihin at patawarin (and even help you when you need it the most), at matututo rin sila sa inyo kung paano maging accountable sa sarili nila 'pag sila naman ang nagkamali.
Gets namin, bilang anak, na oo mahirap maging magulang. Kailangan ninyong tanggapin na worried kayo palagi sa safety and security ng anak niyo.
Pero kayo ang strength ng anak niyo. Otherwise, sa iba sila huhugot ng ibang strength nila and you're going to wonder why hindi ka nila pinagkakatiwalaan.
Madalas kayo magreklamo kung bakit ang hambog ng dating sa inyo ng mga kabataan.
Pero did you ever stop and think: nagpakita ba ako ng pagpapakumbaba bilang nakatatanda?
Sana mapagtanto niyo ‘yan. Your offspring, your choice, your responsibility, your pledge.